Bilang ng nasawi sa bakbakan sa Marawi City, pumalo na sa 345

Manila, Philippines – Patuloy ang paglobo ng bilang ng mga nasawing teroristang Maute sa halos mag-isang buwan nang engkuwentro sa pagitan ng government forces sa Marawi City, Lanao Del Sur.

Sa Mindanao hour sa Malacañang – kinumpirma ni Presidential Spokesperson Ernesto Abella na umakyat na sa 345 katao ang nasawi na kinabibilangan ng 257 Maute fighters.

Nagdagdagan din ang bilang ng nalagas sa tropa ng gobyerno habang nananatili sa 26 ang nasawing sibilyan.


Mahigit 200 ang nasugatan na naka-confine sa magkakaibang pagamutan sa bansa.

Nakarekober na rin ang mga tropa ng pamahalaaan ng 250 long high powered firearms mula sa mga bandido.

Nailigtas ng government forces ang nasa 1,637 na trapped civilians habang nasa tinatayang 500 pa ang nais ma-rescue mula sa mga kamay ng mga terorista.

Facebook Comments