Bilang ng nasawi sa buong mundo dahil sa COVID-19, higit 160,000 na!

Lumobo na sa mahigit 2.3 milyon ang kaso ng COVID-19 sa buong mundo.

Sa huling datos ng Johns Hopkins University, umabot na sa 160,763 ang Global Death Toll ng nakakahawang sakit.

Pinakamataas na bilang ng nasawi ay naitala sa Estados Unidos na may 39,015.


Sinundan ito ng Italy na may 23,227 at Spain na may 20,639.

Sa Pilipinas, umabot na sa 6,087 ang nagpositibo sa sakit, 397 ang namatay habang mas marami ang gumaling na nasa 516.

Facebook Comments