Bilang ng nasawi sa bus tragedy sa Carranglan, Nueva Ecija – nadagdagan pa! Pagbibigay ng ayuda sa mga biktima – prayoridad ng LTFRB

Manila, Philippines – Nadagdagan pa ang bilang ng nasawisa malagim na trahedya sa Carranglan, Nueve Ecija.
  Sa interview ng RMN kay region 2 Office of Civil DefenseFrancis Reyes – umabot na sa tatlumput lima (35) ang nasawi matapos bawian ngbuhay kahapon ang isa sa mga kritikal sa pagkakahulog ng Leomarick bus sa 100na talampakang bangin.
 
Nasa 44 naman ang patuloy ngayong ginagamot sa ibat ibangospital habang patuloy ang pagbe-beripika ng OCD region 2 ang pagkakakilalan ngiba pang nasawi.
  Kaugnay nito, tinututukan ngayon ng Land TransportationFranchising and Regulatory Board at Philam Asset Management, Inc (PAMI) angpagbibigay ng financial assistance sa mga biktima ng bus tragedy.
  Sa interview ng RMN, sinabi ni LTFRB Spokesperson Atty. AileenLizada na kailangan lang magdala ang mga kaanak ng mga biktima ng ID, birthcertificate para sa mga single na namatay at marriage certificate sa mga kasalna.
 
Iikot din aniya ang operator ng Leomarick at ang PAMIngayong araw upang magbigay ng ayuda sa mga biktimang nasa ospital.
 
Nabatid na buong matatanggap ang 200 thousand pesos naayuda para sa mga kaanak ng nasawi habang 20-thousand pesos naman sa mga buhayat nasa pagamutan.

Facebook Comments