Sumampa na sa mahigit 2,400 ang bilang ng mga nasawi sa China dahil sa Coronavirus Disease (Covid-19).
Ito ay makaraang makapagtala ng 96 na panibagong kaso ng pagkamatay sa Wuhan City, ang epicenter ng outbreak.
Nakapagtala rin ng 630 panibagong kaso ng sakit.
Dahil dito, umabot na sa 77,000 ang kumpirmadong kaso ng Covid-19.
Samantala, nadagdagan din ang bilang ng ‘Patients Under Investigation’ (PUI) sa Pilipinas.
Sa huling tala ng Department of Health (DOH) hanggang February 22, umabot na sa 606 ang PUIs sa bansa.
473 rito ang nakalabas na ng ospital habang 130 ang nananating naka-confine.
Sa ngayon, nananatili sa tatlo ang kumpirmadong kaso ng Covid-19 sa Pilipinas, dalawa sa kanila ang nakarekober na habang isa ang nasawi dahil sa severe Pneumonia.
Nasa 49 na pinoy naman na sakay ng M/V Diamond Princess ang nagpositibo sa sakit, 11 sa United Arab Emirates at isa sa Hong Kong.