Bilang ng nasawi sa Delta variant, umakyat na sa 5

76

Umakyat na sa lima ang bilang ng mga namatay dahil sa Delta variant sa bansa.

Ito ang kinumpirma ni Department of Health (DOH) Usec. Maria Rosario Vergeire mula sa kabuuang 119 indibdwal na tinamaan ng Delta variant, base sa resulta ng genome sequencing.


Ayon kay Vergeire, umaabot sa 16 ang aktibong kaso ng mas nakakahawang variant kung saan dalawa rito ay pawang mga Returning Overseas Filipino (ROF) habang lima ang sa Region 3 at Region 10; tatlo sa National Capital Region, at isa sa Region 4A.

Sa 119 na tinamaan ng Delta variant, 42 ang ROF habang 77 ang local cases

Sa tinamaan ng Delta variant, anim dito ang nakakumpleto na ng bakuna, pitong kaso ang naturukan na ng isang dose, 29 na kaso ang wala pang bakuna laban sa COVID-19 at 77 ang inaalam pa kung nabakunahan o hindi.

Facebook Comments