Pumalo na sa 6,165 ang bilang ng nasawi sa drug war operation sa ilalim ng termino ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Batay sa inilabas na datos ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), naitala ang 298,348 na pag-aresto sa loob ng 207,007 na drug war operations mula noong July 1, 2016 hanggang June 20, 2021.
Kabilang dito ang foreign nationals, elected officials, uniformed personnel, kawani ng gobyerno, mga indibidwal na kasama sa target at wanted list, mga miyembro ng armadong grupo, drug den maintainers pati na rin mga celebrity at Professional Regulation Commission (PRC) holders.
Tinatayang umabot sa P61.69 bilyon ang nasabat na illegal substance, P50.94 dito ay shabu, marijuana, cocaine at ecstasy.
Facebook Comments