Ibinaba ng pamahalaan ng Sri Lanka ang bilang ng namatay sa serye ng mga pagsabog noong Easter Sunday sa kanilang bansa.
Ayon kay Sri Lankan Deputy Defense Minister Ruwan Wijewardene, mula sa 359 ay nasa 253 na lang ang death toll sa Easter attacks.
Paliwanag ni Wijewardene, nagkaroon ng error sa pagbibilang ng mga nasawi matapos na magbigay ng maling datos ang mga morgue.
Nagpahirap din sa mga otoridad sa pag-a-account ay ang pagkakalasog-lasog ng mga katawan ng mga nasawi.
Kahapon, araw ng Huwebes ay nakumpleto na ang lahat ng autopsy kaya at lumabas na ang ilang biktima ay nabilang ng higit sa isang beses.
Facebook Comments