Umabot na sa 43 ang kumpirmadong kaso ng Ebola sa Uganda habang nasa 20 naman ang patuloy na bineberepika.
Ayon sa World Health Organization (WHO), umakyat na sa 29 ang nasawi bunsod ng nakamamatay na virus kung saan apat dito ay pawang mga health workers.
Dagdag pa rito, simula nang madiskubre ang Ebola outbreak sa central district ng Mubende ay nakapagtala na rin kaso ng virus sa Kassanda, Kyegegwa at Kagadi.
Sa kabila nito, hindi pa rin nagpatupad si Ugandan President Yoweri Museveni ng anumang lockdown upang labanan ang pagkalat ng nito.
Sa ngayon, wala pa ring gamot upang laban o gamutin ang Ebola ngunit may mga experimental drugs nang sumasailalim sa pagsusuri.
Facebook Comments