Patay ang hindi bababa sa 98 katao sa pagsabog ng fuel tanker sa Freetown, Sierra Leone sa West Africa.
Ayon kay Mohamed Lamrane Bah, communications director ng National Disaster Management Agency (NDMA) ng Sierra Leone, ilang indibidwal din na nadamay sa pagsabog ang kritikal ang kondisyon.
Nangyari ang pagsabog matapos ang banggaan ng dalawang sasakyan sa highway habang papasok sa kalapit ng filling station ang fuel tanker para mag-discharge ng gasolina.
Batay sa footage at mga testigo, nagtakbuhan pa sa pinangyarihan ng aksidente ang mga residente sa lugar para maghakot ng tumagas na gasolina.
Pero maya-maya ay nagkaroon ng malakas na pagsabog na sinundan ng sunog.
Ayon sa NDMA, 92 indibidwal ang naka-admit ngayon sa iba’t ibang ospital sa Freetown.