Bilang ng nasawi sa gumuhong gusali sa Florida, umakyat na sa 22

Umakyat na sa 22 ang bilang ng nasawi sa pagguho ng gusali sa Miami, Florida.

Ito ay matapos matagpuan ang apat pang labi ngayong araw halos isang linggo matapos gumuho ang gusali.

Kabilang sa mga natagpuan ang isang pitong taong gulang na babae na anak ng isang barbero.


Nitong Huwebes, personal na binisita 3US President Joe Biden at kaniyang asawa ang pinangyarihan ng trahedya.

Facebook Comments