Umakyat na sa 28 ang bilang ng mga nasawi dahil sa pagguho ng gusali sa Miami, Florida.
Habang aabot naman sa 117 na indibidwal ang kasalukuyan pa ring hinahanap ng mga otoridad.
Kasunod nito, umaasa naman ang mga opisyal na may mahahanap pa rin silang mga nakaligtas mula sa trahedya.
Nagpapatuloy rin ang imbestigasyon para malaman ang sanhi ng pagguho ng 40 taong gulang na gusali.
Facebook Comments