Bilang ng nasawi sa gumuhong hotel sa China, umakyat na sa 17

tUmakyat na sa 17 ang nasawi sa gumuhong hotel sa Suzhou, China.

Ito ay matapos marekober ng mga otoridad ang 9 pang katawan mula sa gumuhong Siji Kaiyuan hotel nitong Miyerkoles.

Ayon sa mga otoridad, patuloy pa rin ang kanilang imbestigasyon sa sanhi ng pagguho ng gusali.


Sa ngayon, nasa mabuting kondisyon na ang mga nailigtas mula sa insidente.

Facebook Comments