Umakyat na sa 1,297 ang bilang ng nasawi kasunod ng magnitude 7.2 na lindol sa Haiti.
Naitala ang lindol sa layong 160 kilometers sa kanlurang bahagi ng capital na Port-au-Prince.
Tinataya namang aabot sa 13,600 na gusali ang napinsala kung saan higit 5,700 na katao ang nasaktan mula sa trahedya.
Nagpa-abot na ng tulong ang Cuba, Ecuador, Chile, Argentina, Peru, Venezuela at United Nations.
Facebook Comments