Umakyat na sa 63 ang bilang ng nasawi sa Maguindanao habang 17 katao naman ang nawawala pa rin dahil sa pananalasa ng Bagyong Paeng.
Ayon kay Maguindanao Provincial Administrator Atty. Cyrus Torrena, karamihan sa mga casualties ay mga residenteng naninirahan malapit sa bundok na lumipat mula sa coastal areas dahil sa banta ng mga tsunami at storm surge.
Ang daan-daang pamilyang naapektuhan ng bagyo ay nananatili sa Barangay Tamontaka covered court sa Datu Odin Sinsuat, Maguindanao.
Matatandaang nagdeklara na rin ng state of calamity si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
Samantala, pumalo na rin sa 150 ang kumpirmadong bilang ng nasawi sa buong bansa, dahil sa bagyo.
Facebook Comments