Bilang ng nasawi sa nag-collapse na dam sa Brazil – pumalo na sa 34

Brazil – Pumalo na sa 34 na indibidwal ang kumpirmadong patay sa pagguho ng isang dam sa isang iron mine sa Brazil.

Ayon kay Minas Gerais Gov. Romeu Zema – maliit na lang ang tiyansa na makakita pa sila ng bukay mula sa nangyaring insidente.

Nauna nang sinabi ng opisyal na nasa 300 katao ang patuloy na hinahanap habang 46 ang nailigtas.


Kabilang sa mga nawawala ang mahigit 200 residente ng brumadinho na kinaroroonan ng minahan at ang nasa 100 hanggang 150 minero.

Nagtungo na rin sa lugar si Brazilian President Jair Bolsonaro kung saan nangako ito ng tulong sa mga biktima.

Facebook Comments