Umabot na sa labing isa ang naitalang nasawi ngayong taon sa pag-akyat sa Mount Everest sa Nepal.
Kasunod na rin ito ng pagkamatay ng American mountaineer na si attorney Christopher John Kulish, 62-anyos habang umaakyat sa Mt. Everest dahil sa altitude sickness.
Ayon kay Nepal tourism department head Meera Acharya, malakas pa si Kulish at ligtas pa niyang narating ang South Col na may taas na 25,918 feet, pero bago maggabi ay bigla na lang itong nahirapang huminga.
Una rito, noong nakaraang linggo lamang ay isang Austrian mountaineer din ang namatay, ilang oras matapos niyang maabot ang summit ng Everest.
Nabatid na minuto lang ang maaaring itagal ng isang tao sa peak ng Everest dahil sa kakulangan ng oxygen kaya tinawag ito ng mga mountaineer na “death zone.”