Bilang ng nasawi sa pagbaha sa Germany at Belgium, umakyat na sa 68

Umabot na sa 59 indibidwal ang mga nasawi sa Germany matapos ang malawakang pagbaha.

Ayon sa mga otoridad, bukod sa naitalang nasawi sa Germany ay 9 pang katao ang namatay sa Belgium.

Sa ngayon ay nagpakalat na ang German Emergency Services ng aabot sa 15,000 na miyembro ng pulis at militar para sagipin ang mga residenteng na-trap.


Samantala, nasa 1,300 ang nawawala sa itinuturing na “deadly floods” sa western Europe.

Facebook Comments