Bilang ng nasawi sa pagbaha sa Venezuela, umakyat sa 20

Umakyat na sa 20 na katao na ang bilang ng nasawi sa Venezuela dahil sa pagbaha dulot ng patuloy na pag-ulan.

Ayon kay State Governor Ramon Guevara, 17 na indibidwal ang nawawala at higit 1,200 na bahay ang napinsala.

Bukod dito, nawalan din ng kuryente ang ilang lugar sa Tovar, Bailadores, Zea at Santa Cruz de Mora dahil sa mga nasirang transformer.


Nabatid namang aabot sa 54,543 na katao mula sa 87 na munisipalidad ang naapektuhan ng trahedya habang isinailalim naman sa state of emergency ang ilang probinsya sa Venezuela.

Facebook Comments