Tuesday, January 27, 2026

Bilang ng nasawi sa paglubog ng RORO M/V Trisha Kerstin 3, pumalo na sa 24

Pumalo na sa 24 ang kumpirmadong nasawi sa paglubog ng RORO M/V Trisha Kerstin 3, ayon sa Integrated Provincial Health Office (IPHO) ng Basilan at sa mga unit ng Philippine Coast Guard (PCG) sa Basilan at Zamboanga.

Batay sa manifest ng barko, may kabuuang 342 pasahero ang M/V Trisha Kerstin 3, na naglalayag mula Zamboanga City patungo sa Jolo, Sulu nang lumubog ito sa bahagi ng Basilan.

Ayon sa PCG, hindi overloaded ang barko nang mangyari ang insidente. Patuloy pa rin ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang matukoy ang eksaktong dahilan ng paglubog ng RORO vessel.

Facebook Comments