Sumampa na sa 10 ang bilang ng mga nasawi sa pananalasa ng Bagyong Karding.
Sa interview ng RMN Manila, kinumpirma ni National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Spokesperson Asec. Bernardo Rafaelito Alejandro IV na may dalawa pang casualty ang naitala sa lalawigan ng Rizal.
Una nang kinumpirma ng ahensya ang limang casualty sa Bulacan na pawang mga rescuer na nalunod sa baha sa kalagitnaan ng kanilang rescue operation sa bayan ng San Miguel.
Patuloy ring bine-verify ng ahensya ang dalawa pang nasawi sa Zambales dahil din sa pagkalunod sa baha at isa sa Burdeos, Quezon Province bunsod ng landslide.
Tatlong mangingisda naman ang napaulat na nawawala mula sa Mercedes, Camarines Norte.
Facebook Comments