Manila, Philippines – Umakyat na sa 129 ang nasawi sa patuloy na bakbakan sa militar at teroristang grupong Maute sa Marawi City.
Sa isinagawang “Mindanao hour” sa Malacañang – kinumpirma ni Presidential Spokesperson Ernesto Abella na 89 na ang nasawi na miyembro ng Maute Group, 21 sa tropa ng gobyerno at 19 sa panig ng sibilyan.
Sa ngayon ay pumalo na 18,609 pamilya ang inilikas sa region 10 at armm dahil sa bakbakan.
Nasa 2,722 pamilya naman ang nasa 22 evacuation centers sa iligan at cagayan de oro city.
Aabot na sa mahigit 36 million pesos ang ayudang naibigay sa mga apektadong residente.
DZXL558
Facebook Comments