BILANG NG NASAWI SA RABIES SA ILOCOS REGION NGAYONG TAON, NASA APAT NA

Apat na ang naitalang nasawi dahil ss rabies sa Ilocos Region mula Enero 1- March 21, ngayong taon ayon sa tala ng Department of Health-Center for Health Development Region 1.

Sa Kapihan sa Ilocos ng PIA, inihayag ni CHD 1 Spokesperson Dr. Rheuel Bobis, ang naitalang bilang ay tig-isa sa apat na probinsya ng rehiyon.

Aniya, tatlo rito ay hindi nagpabakuna pagkatapos makagat at ang isa naman ay hindi nakumpleto.

Dahil dito, binigyang diin ni Dr. Bobis na kailangan umano na agarang makapagbakuna kung nakagat upang hindi na humantong sa nakamamatay na impeksyon. Mahalaga aniya, na mabakunahan sa loob ng 20-40 days incubation period.

Sakaling hindi mabakunahan sa takdang panahon, posible umanong hindi na umepekto ang bakuna.

Samantala, kabilaan naman ang isinasagawang Anti-rabies vaccination sa mga alagang hayop.

Noong nakaraang taon, 19 na kaso ng rabies ang naitala sa rehiyon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments