Bilang ng nasawi sa sunog sa isang gusali sa London, umakyat sa 17

188

Manila, Philippines – umakyat sa 17 ang patay sa sunog ng Grenfell tower sa London.

Inaasahang aakyat pa ang bilang nito dahil maraming residente ng gusali ang nawawala.


Kabilang na rito ang pinay na si Ligaya Moore, 70-anyos na nakatira sa ika-21 palapag ng gusali.

Ayon kay Phil. Embassy in London Consul Rommel Romato – wala pa sila na tiyak na bilang kung ilang Pilipino ang sugatan sa sunog.

Sa kabila nito, patuloy pa ring naka-monitor ang embahada sa sitwasyon.

Facebook Comments