Bilang ng nasawi sa Taguig City, umabot na sa 21

Umabot na sa 21 ang bilang ng mga nasawi sa Taguig City dahil sa COVID-19.

Pero ayon sa health department ng lungsod, mas marami pa rin ang bilang ng mga gumagaling na pasyente na ngayon ay aabot na sa 142.

Samantala, umabot na sa 632 ang confirmed cases ng COVID-19 sa Taguig matapos na makapagtala ng 14 na panibagong kaso.


Labing-apat sa mga bagong tinamaan ng sakit ay mula sa Bagumbayan, Central Bicutan, Ligid Tipas, North Signal, Pinagsama, South Daang Hari, Wawa at Western Bicutan.

Simula January 27, 2020 hanggang kahapon, mayroon nang 3,753 na suspected COVID-19 cases sa lungsod.

Pakiusap naman ng Taguig City Government sa kanilang mga residente, patuloy na manatili sa loob ng bahay upang maging ligtas sa banta ng COVID-19.

Facebook Comments