Bilang ng nasawi sa Zambales earthquake, nasa 18 na

Umakyat na sa 18 ang nasawi sa magnitude 6.1 na lindol na tumama sa Castillejos, Zambales nitong Lunes.

Sa pinakahuling datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), maliban sa fatalities ay nasa 282 ang sugatan habang pito ang nawawala.

Higit 1,230 na bahay sa Bataan at Pampanga ang partial o totally damaged.


Hindi bababa sa 900 pamilya sa Central Luzon, partikular na sa Pampanga at Zambales ang nananatili sa evacuation centers.

Aabot naman sa higit 300 milyong piso ang halaga ng pinsala sa mga eskwelahan, kalsada, tulay sa Ilocos Region, Central Luzon, Calabarzon at National Capital Region.

Facebook Comments