Bilang ng nasugatan sa magnitude 6.6 na lindol sa Cataingan, Masbate, sumampa na sa 48

Umakyat na sa 48 ang nasugatan sa nangyaring magnitude 6.6 na lindol na tumama sa Cataingan, Masbate kahapon ng umaga.

Sa interview ng RMN Manila kay National Disaster Risk Reduction And Management Council Spokesman Mark Timbal, nananatili pa rin sa isa ang nasawi na nakilalang si Gilbert Sauro, isang retiredong pulis na nadaganan sa gumuho nitong bahay sa Barangay concepcion.

Batay sa inisyal na report sa Masbate City Disaster Risk Reduction and Management Office, nasa 60-percent to 70-percent ng mga instraktura sa bayan ng Cataingan ang napinsala habang nasa 5,000 hanggang 6,000 katao ang apektado ng lindol kabilang dito ang mga Locally Stranded Individuals.


kasabay nito, sinabi ni Timbal na patuloy ang kanilang isinasagawang damage assessment upang malaman ang halaga ng ari-ariang napinsala sa pagyanig.

Sa ngayon ay nasa 280 aftershocks na ang naitala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) kung saan pinakamalakas na naramdaman ay ang magnitude 5.2 aftershock kaninang 5:50 ng umaga.

Facebook Comments