BILANG NG NASUGATAN SA PAPUTOK SA ILOCOS REGION, UMAKYAT NA SA WALONG KASO

Nadagdagan pa ang bilang ng mga indibidwal na nagtamo ng Firework-Related Injury noong kasagsagan ng pasko sa buong Ilocos Region, mula December 21.

Mula sa dalawang kaso, dumagdag ang bagong anim na kaso na may kabuuang walong biktima sa rehiyon dahil sa paputok.

Ayon sa Department of Health-Ilocos Center for Health Development, karaniwang edad ng mga nabibiktima ay mula edad sampu hanggang katorse (14) anyos na pawang mga kalalakihan.

Paalala ng tanggapan, huwag magpaputok. Bukod sa panganib nito sa gumagamit nagdudulot din ito ng stress sa mga alagang hayop at noise at air pollution sa kapaligiran.

Sakali man na mabiktima ng paputok, agad dalhin sa ospital ang pasyente para sa agarang lunas.

Patuloy ang kampanya ng mga tanggapan tungo sa ligtas at mapayapang pagsalubong sa bagong taon.

Facebook Comments