Bilang ng new recoveries sa Taguig City, mas mataas kumpara sa mga bagong kaso ng COVID-19

Inihayag ng Taguig City Epidemiology Disease and Surveillance Unit (CEDSU) na nakapagtala ito ng 385 na new recoveries mula sa sakit na dulot ng COVID-19 sa nakalipas na 24 oras.

Dahilan para tumaas ito ngayon sa 18,478 total recoveries o katumbas na 98.20% recovery rate.

Mas mataas ito kumpara sa bilang ng tinamaan ng nasabing sakit.


Batay sa datos ng Taguig CEDSU, 230 ang naidagdag sa mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa lungsod, dahilan para umakyat ito sa 18,816 na kabuuang bilang.

Walang naman nadagdag sa bilang ng mga nasawi kaya ito ay nananatili ito sa 219 na may 1.16% case fatality rate habang ang bilang ng active cases sa Taguig ay umabot na sa 119 kahapon.

Patuloy naman binabantayan ng Taguig CEDSU ang mga aktibong kaso sa lungsod upang mapigilan ang paglaganap ng sakit at agarang makatulong sa pagpapagaling ng mamamayan.

Facebook Comments