CAUAYAN CITY – Isinakatuparan ng 28 interns ng DOLE Government Internship Program ang proyektong TOPI (Teaching Opportunities Prioritizing Illiteracy) sa Cabagan, Isabela.
Inilunsad ang naturang proyekto noong taong 2018 kung saan layunin nitong suportahan ang mga out-of-school youth at estudyanteng nahihirapan sa pagbabasa.
Sa isinagawang assessment ng ahensya, bumaba ng 97.10% ang non-readers sa Grade 1 at Grade 2; 94.9% naman ang ibinaba ng mga non-readers sa Grades 3 hanggang Grade 6 habang 90.13% ang ibinaba sa English language sa lahat ng baitang.
Facebook Comments