Bilang ng OFWs na namatay sa COVID sa Oman, 51 na

Kinumpirma ng Philippine Overseas Labor Office (POLO) sa Oman na umabot na sa 51 ang bilang ng mga nasawing OFW dahil sa COVID-19.

Sinabi ni Labor Attache’ Gregorio Abalos Jr., na kabuuang 1,118 naman na OFWs sa Oman ang tinamaan ng nakakahawang sakit

Ngayong taon din lang aniya pinayagan ng gobyerno ng Oman na mapauwi ang mga labi ng mga nasawing OFW.


Ayon kay Abalos, protocol din sa Oman ang cremation sa mga namamatay na COVID-19 patients.

Tiniyak naman ng POLO Oman na nai-endorso na nila sa DOLE Central Office ang kahilingang ayuda ng OFWs na naapektuhan ng pandemya.

Facebook Comments