Bilang ng OFWs na nasaktan sa lindol sa Taiwan, umaabot na sa 15

Kinumpirma ng Department of Migrant Workers (DMW) na umaabot na sa 15 Overseas Filipino Workers (OFWs) ang nasugatan sa 7.2 magnitude na lindol sa Taiwan isang linggo na ang nakakalipas.

Ayon sa DMW, ang 15 OFWs ay nakalabas na ng pagamutan matapos na malapatan ng lunas sa mga ospital.

Sa ngayon, nagpapagaling na anila ang Pinoy workers sa kani-kanilang company dormitories at accommodations.


Babalik anila ang mga ito sa ospital para sa kanilang follow-up consultations at check-ups.

Patuloy namang mino-monitor ng Migrant Workers Office Taipei (MWO-Taipei) gayundin ng kanilang employers ang kalagayan ng mga nasugatang OFWs.

Facebook Comments