Bilang ng OFWs na tinamaan ng COVID-19, nadagdagan ng 17

Sumipa na sa kabuuang bilang na 9,774 overseas Filipino worker (OFW) ang tinamaan ng coronavirus disease (COVID-19) matapos madagdagan ng 17 bagong kaso ayon sa report ng Department of Foreign Affairs (DFA).

Nito lamang Martes, naitala ng ahensya na nasa 3,276 pasyente ang patuloy na nagpapagaling habang nasa 5,790 na ang tuluyang nakarekober.


Ayon sa post ng DFA, “For three consecutive days, the DFA reports no new fatalities among Filipinos abroad due to COVID-19.”

“Meanwhile, there are 17 new confirmed COVID-19 cases recorded in Asia and the Pacific and no new records of recoveries,” dagdag nito.

Sa tala ay naiulat na ang 302 OFWs ang patuloy na nagpapagaling sa Asia Pacific Region, 501 naman sa Europe, 2,311 sa Middle East at Africa at 162 sa America.

Samantala, sa bansa naman ay pumalo na sa 139, 538 katao na ang tinamaan ng COVID-19.

May kabuuang bilang ng 2,312 ang mga nasawi, 68, 432 na ang mga nakarekober habang 68, 794 naman ang aktibong kaso sa bansa.

Facebook Comments