Bilang ng OFWs na tinamaan ng COVID-19, umakyat na sa 2,522

Pumalo na sa 2,522 ang bilang ng mga Pilipinong tinamaan ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa ibayong-dagat.

Ito ay matapos makapagtala ang Department of Foreign Affairs (DFA) ng 18 bagong kaso.

Sa kabila nito, aabot na sa 878 na overseas Filipinos ang naka-rekober sa sakit habang nasa 1,353 ang sumasailalim pa sa treatment.


Umabot naman sa 291 ang bilang ng mga nasawi.

Ang Europe pa rin ang may mataas na bilang ng COVID-19 positive Filipinos na nasa 785 cases, kasunod ang Middle East o Africa na may 719 cases habang ang Amerika na nasa 560 cases, at Asia Pacific Region na may 458 cases.

Facebook Comments