Bilang ng OFWs na umuwi ng Pilipinas matapos maapektuhan ng pandemic, 265,111 na

COURTESY: Department of Foreign Affairs Facebook page

Kabuuang 265,111 na Pilipino na ang napauwi ng pamahalaan mula nitong February 2020 nang pumutok ang COVID-19 pandemic.

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), 83,866 dito o 31.63% ay seafarers habang 181,245 (68.37%) ang land-based overseas Filipinos.

Nitong nakalipas na linggo, karagdagang mahigit 10,000 Pinoy repatriates ang dumating sa bansa.


Pinakamaraming Pinoy na naapektuhan ng pandemic sa ibayong-dagat ay mula sa Middle East.

Partikular dito ang Saudi Arabia at United Arab Emirates.

Facebook Comments