Bilang ng OFWs sa Nigeria, tumataas; Migrant Workers Office, bubuksan na sa Abuja

Magtatayo na rin ng Migrant Workers Office ang Department of Migrant Workers (DMW) sa Abuja, Nigeria.

Sa harap ito ng pagtaas ng bilang ng Filipino workers sa Nigeria.

Sa ngayon, 6,000 na ang Overseas Filipino Worker (OFWs) sa Nigeria, bukod pa ito sa iba pang Pinoy workers sa 12 mga bansa sa West at Central Africa na sa ilalim ng hurisdiksyon ng Philippine Embassy sa Abuja.

Ayon kay Migrant Workers Sec. Hans Leo Cacdac, layon ng pag-extend nila ng presensya sa Nigeria na maprotektahan ang dumadaming OFWs doon.

Nakipagpulong na rin si Philippine Ambassador to Nigeria Mersole Mellejor kina Nigerian Foreign Minister Yusuf Tuggar at Labor Minister Dr. Muhammad Maigadi Dingyadi para sa pagpapalakas ng ugnayan sa paggawa, proteksyon at sa hinaharap na oportunidad sa labor market.

Ito ay lalo na’t ang Nigeria ay itinuturing na pinakamalaking producer ng krudo at ng natural gas kung saan may malaki itong papel sa energy markets sa mundo.

Kaugnay nito, inaasahan pa ang pagkuha ng Nigeria ng mas maraming skilled at semi-skilled Filipino workers.

Facebook Comments