Kinumpirma ng Philippine Coast Guard (PCG) ang bahagyang pagbaba ng bilang ng outbound passengers sa mga barko.
Sa kabilang dako, tumaas naman anila ang bilang ng inbound passengers.
Kinumpirma naman ng PCG ang pagtaas sa bilang ng kanilang iniinspeksyon na mga sasakyang pagdagat.
Ayon sa PCG, tumaas ng 5% ang bilang ng kanilang mga nainspeksyon na barko habang tumaas ng 16% ang bilang ng motorbancas.
Nananatili namang naka-deploy ang 2,762 frontline personnel ng Coast Guard mula sa 16 na PCG districts.
Facebook Comments