Bilang ng overseas Filipino na tinamaan ng COVID-19, umabot na sa higit 150 – DFA

Umabot na sa 153 overseas filipinos ang nagpositibo sa COVID-19.

Sa datos ng Department of Foreign Affairs (DFA), isa na ang namatay, 66 ang nagpapagaling, at 86 ang naka-recover na at na-discharge sa ospital.

Ayon sa DFA, 23 bansa o rehiyon sa mundo ang may pilipinong tinamaan ng COVID-19.


Ang Pilipinas ay mayroong 10 milyong pilipinong manggagawa sa abroad, karamihan ay household service workers, construction workers, engineers, it workers at medical personnel.

Kaugnay nito, kinumpirma ng Philippine consulate general sa Hong Kong na may tatlong pilipino pa ang tinamaan ng COVID-19.

Sa kabuoan, aabot na sa limang Pilipino ang may COVID-19 sa Hong Kong.

Facebook Comments