
Umaabot na sa 821 na pamilya ang inilikas ng lokal na pamahalaan bunsod na rin ng sama ng lagay ng panahon.
Sa pahayag ng Manila Department of Social Welfare (MDSW), inilikas ang ilang pamilya dahil na rin sa pagtaas ng baha sa ilang bahagi ng lungsod ng Maynila.
Nasa 2,823 na indibidwal ang nananatili sa mga evacuation center tulad ng sports complex, barangay hall, pampublikong paaralan, multi-purpose hall, cover court, at sports complex.
Karamihan sa mga inilikas ay mga nakatira sa gilid ng estero at ilog Pasig, malapit sa baybayin ng Manila Bay at mga lugar ma binabaha tuwing malakas ang buhos ng ulan.
Patuloy naman ang monitoring at pag-iikot ng mga tauhan ng MDSW upang malaman ang sitwasyon ng mga residente at agad na matulungan kung kinakailangan.
Namahagi na rin ng mga pagkain, inumim, at iba pang pangangailangan ang Manila local government unit (LGU) para sa mga residente nila na nananatili sa evacuation centers.










