Manila, Philippines – Bumaba ngayon ang bilang ng mga Pinoy na nagsabing sila ay mahirap.
Base sa survey ng social weather station ngayong ikatlong quarter ng 2017 – lumabas na apat sa sampung Pinoy ang itinuturing ang kanilang sarili na mahirap.
Katumbas ito ng 10.1 milyong pamilyang Pilipino.
Mas mababa ito ng anim na puntos sa record na naitala noong Marso na nasa 50 percent o 11.5 million families.
Sa survey – pinakamalaking ibinaba sa Metro Manila at iba pang bahagi ng Luzon na nakapagtala ng 28 percent mula sa dating 34 percent self-rated poverty.
Pitong puntos o nasa 64 percent naman ang itinaas ng Visayas habang apat o 57 percent sa Mindanao.
Ang survey ay ginawa noong June 23 hanggang 26 sa 1,200 respondents nationwide.
Facebook Comments