MANILA – Bumaba ngayon ang bilang ng mga pamilyang pinoy na nabiktima ng ibat ibang krimen sa bansa.Batat sa inilabas na survey ng Social Weather Station nitong huling kwarter ng 2016 – naitala ang 4.9 percent o katumbas ng 3.1 milyong pamilya pinoy na nakaranas ng common-crimes.Mas mababa ito ng 1.9 points kumpara sa naitala noong ikatlong kwarter ng 2016 na nasa 6.8 percent o 4.2 million families.Bumaba din ang datus sa insidente ng “property crime” na nasa 4.5 percent kumpara sa 6.4 percent nitong 3rdquarter at 5.5 percent noong una at pangalawang quarter ng 2016.Sa kabila nito, nananatili naman ang datus sa “violent crime” na nasa 0.7 percent.Ang SWS crime poll ay isinagawa nitong December 3 hanggang 6, 2016 sa 1,500 respondents nationwide.
Bilang Ng Pamilyang Pinoy Na Nagsabing Nabiktima Ng Krimen Sa Bansa, Batay Sa Survey Ng Sws Nitong Huling Kwarter Ng Tao
Facebook Comments