Bilang ng pasyente na tinamaan ng leptospirosis sa San Lazaro Hospital sa Maynila, umabot na sa higit 40

Umaabot na sa 45 ang bilang ng pasyenteng may leptospirosis sa San Lazaro Hospsital sa Maynila.

Ang mga nasabing pasyente ay kasalukuyang naka-confine at 15 sa kanila ay menor de edad, habang 4 na naka-confine ay nasa intensive care unit (ICU).

Nabatid na ang mga pasyente sa nasabing hosptial ay mula sa Cavite, Laguna, at Metro Manila na karamihan ay mula sa Maynila.

Nasa pito na rin ang namatay dahil sa leptospirosis kung saan lahat ng nasawi ay lumusong sa baha bunsod ng patuloy na pag-ulan dulot ng habagat at bagyo.

Muling iginiit ng San Lazaro Hospital na ang naturang sakit ay medyo agresibo lalo na’t sa loob ng dalawa hanggang pitong araw ay nagkakaroon sila ng komplikasyon sa kidney, atay, at baga.

Bukod pa rito, ang mga pasyente ay nahihirapang umihi at huminga kaya kailangan silang i-ventilator.

Facebook Comments