Bilang ng pasyente sa Manila COVID-19 Field Hospital, bumababa na

Patuloy na bumababa ang bilang ng mga pasyente na naka-admit sa Manila COVID-19 Field Hospital.

Sa datos ng Manila Health Department, nakalabas na ang nasa 25 pasyente kaya’t sa kasalukuyan ay nasa 60 na lamang ang naka-admit dito.

Dahil dito, nasa 17% na lamang ang bed capacity sa Manila COVID-19 Field Hospital mula sa 344 na inilaan ng lokal na pamahalaan.


Ilan sa mga nananatili sa nasabing hospital ay pawang Overseas Filipino Workers (OFWs).

Walo naman sa mga pasyente ay pawang mga residente ng lungsod ng Maynila.

Patuloy na mino-monitor ang mga natitirang pasyente sa Manila COVID-19 Field Hospital kung saan umaasa ang lokal na pamahalaan na lahat ng mga ito ay makakarekober sa lalong madaling panahon.

Napag-alaman na nasa 228 ang naitalang aktibong kaso ng COVID-19 sa Maynila at karamihan sa kanila ay naka-home quarantine dahil hindi naman malala ang kondisyon ng mga nagpopositibo.

Facebook Comments