Bilang ng overseas Filipino worker sa Hong Kong na hindi nakauwi ng Pilipinas dahil walang pambili ng plane ticket, dumadami

Kinumpirma ng Philippine Overseas Labor Office (POLO) sa Hong Kong na tumataas ang bilang ng overseas Filipino worker doon ang hindi makauwi ng Pilipinas dahil walang pambili ng plane ticket.

Partikular ang overseas Filipino worker na na-terminate o nawalan ng trabaho.

Karamihan kasi sa kanila ay naubusan na ng panggastos dahil ang kanilang huling kinita sa trabaho ay ginamit nila sa pakikipagsapalaran sa paghahanap ng bagong mapapasukan sa Hong Kong.


Kailangan muna kasi nilang humingi ng basbas sa Immigration Department doon bago sila makapasok sa bagong employer.

Nilinaw naman ng POLO- Hong Kong na ang plane ticket ng overseas workers na na-terminate sa trabaho ay dapat na sinasagot ng kanilang empoyers

Facebook Comments