Bilang ng Pinoy frontliners sa UK na tinatamaan ng COVID-19, tumaas

Kasunod ng pagkakat sa United Kingdom (UK) ng bagong variant ng COVID-19 virus, patuloy rin ang pagtaas ng bilang ng Pinoy frontliners doon na tinatamaan ng virus.

Sa ulat ng Philippine Overseas Labor Office o POLO mula sa London, 26 ang bagong kaso ng COVID na naitala sa hanay ng Pinoy nurses at healthcare workers sa nakalipas na dalawang araw.

Sa ngayon, umaabot na sa 776 ang kabuuang kaso ng virus sa Pinoy frontliners sa UK.


Ayon kay Labor Attaché Amy Reyes, naka-isolate na ang 25 sa mga Filipino nurses at healthcare workers at sila ay binibigyan narin ng kaukulang medical care.

9 din aniya sa mga nagka-COVID ay bagong deploy lamang sa UK habang ang iba ay 2019 pa nasa Britanya.

Hindi naman tinukoy ni Reyes kung ang bagong variant ng virus ang tumama sa mga ito.

Sinabi rin ni Reyes na dalawang nurse na dati nang nagka-COVID ay naka-recover na sa sakit kaya umabot na sa 614 ang kabuuang bilang ng recoveries pero 36 na ang nasawi.

Samantala, sa hiwalay na ulat ni Labor Attaché Saul de Vries ng POLO Singapore, umabot na sa 405 ang mga Pinoy doon na tinamaan ng COVID kasama na ang dalawang bagong kaso na tumama sa mga bagong dating na Overseas Filipino Workers (OFWs) doon.

Facebook Comments