Bilang ng Pinoy workers na napauwi ng pamahalaan mula Pebrero, umaabot na sa mahigit 185,000

Umabot na sa 185,650 ang bilang ng Overseas Filipino Workers (OFWs) na napauwi ng pamahalaan mula Pebrero ng taong ito.

Sa naturang bilang, 120,602 ang land-based habang ang sea-based ay 65,048.

Sa nakalipas na linggo, 11,611 overseas Filipinos ang karagdagang napauwi ng pamahalaan sa harap pa rin ng patuloy na banta ng COVID-19 pandemic.


Pinakamarami sa repatriated OFWs ay mula sa Middle East.

Nanindigan naman ang Department of Foreign Affairs na hangga’t may Pinoy worker na nagnanais na umuwi ng Pilipinas, magpapatuloy ang repatriation sa OFWs.

Facebook Comments