Bilang ng pulis na tinamaan ng COVID-19, umabot na sa 5,674

47

Patuloy na nadaragdagan ang bilang ng mga tinatamaan ng COVID-19 sa Philippine National Police (PNP).

Batay sa data ng PNP nitong Biyernes, September, 25, 2020, alas-6:00 ng gabi, nasa 5,674 ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng COVID-19 na mga pulis.

Sa nasabing bilang, 1,246 rito ang COVID-19 active cases.

Nadagdagan naman ng 45 ang bagong recoveries, dahilan kaya nasa 4,411 na pulis na gumaling sa nasabing sakit.

Nananatili pa rin sa 17 ang COVID-19 related deaths.

Facebook Comments