Cauayan City, Isabela- Patuloy ang pagbaba ngayon ng bilang ng mga Person Under Monitoring (PUM) sa Lalawigan ng Cagayan.
Batay sa datos ng Disaster Risk Reduction and Management Council ng Cagayan, mayroon na lamang kabuuang bilang na limampu’t walong (58) Overseas Filipino Workers (OFW) ang kasalukuyang minomonitor sa Lalawigan.
Nasa 272 indibidwal naman ang minomonitor mula sa National Capital Region (NCR) habang ang mga walang travel history o mula lamang sa Cagayan ay nasa 395 na katao.
Tatlumput apat (34) naman na PUM ang nakakumpleto ng kanilang 14-days mandatory quarantine at ngayon ay nasa kabuuang bilang na lamang na 725 ang minomonitor sa buong Lalawigan mula sa dating bilang na mahigit 12 libong PUM’s na naitala noong Marso.
Kaugnay nito, inihayag ni Governor Manuel Mamba na hindi na hihigpitan ang mga darating na OFW sa Lalawigan at maaari nang dumeretso sa kanilang bahay dahil dumaan at nakumpleto naman ng mga ito ang mahigpit na quarantine protocols sa Metro Manila at basta mayroong mga kaukulang Health Certificate na magpapatunay na walang sintomas o negatibo sa sakit na COVID-19.
Samantala, COVID-19 free pa rin ang Cagayan at patuloy lamang ang mahigpit na pagbabantay sa mga nakalatag na checkpoints bilang bahagi sa ipinapatupad na General Community Quarantine (GCQ).