Bilang ng rape cases sa bansa, bumaba sa panahon ng community quarantine; mga biktima ng “sex for pass” sa mga checkpoint, hinimok ng PNP na magsampa ng reklamo!

Umabot sa walo ang average na bilang ng mga taong nabibiktima ng rape sa bansa sa gitna ng ipinatutupad na community quarantine.

Sa datos ng Philippine National Police (PNP), 602 na kaso ng rape ang naitala mula March 17 hanggang May 23, 2020.

Gayunman, 53% itong mas mababa kumpara sa 1,289 na kasong naitala mula January 9 hanggang March 16 o ang panahon bago nagpatupad ng quarantine measures dahil sa COVID-19.


Samantala, hinimok ni PNP Chief General Archie Gamboa ang mga kababaihang umano’y biktima ng “sex for pass” na lumutang at magsampa ng kaso.

Una rito, lumutang ang mga alegasyon na may ilang mga pulis na nagbabantay sa checkpoint ang pinapayagang makadaan ang mga kababaihan kapalit ng pakikipagtalik.

Giit ni Gamboa, hindi patas na magkaroon ng generalization sa hanay ng PNP lalo na’t mayroong mga police frontliner na ginagampanan naman ng maayos ang kanilang tungkulin.

Facebook Comments