41 lamang ang naitala ng Department of Health (DOH) na bagong gumaling sa bansa sa COVID-19.
Sa ngayon ang total recoveries na ay 418,723 o 92.9%.
1,339 naman ang bagong kaso kaya ang total COVID cases nasa bansa ay 450,733.
Ang aktibong kaso naman ay bumaba sa 25,253 o 5.2%.
24 naman ang bagong binawian ng buhay kaya ang total deaths na ay 8,757 o 1.94%.
Karamihan sa mga bagong kaso ay naitala mula sa Quezon City, Davao City, Rizal, Laguna at Manila.
Samantala, nakapagtala ang Department of Foreign Affairs (DFA) ng 42 na bagong kaso ng virus sa hanay ng overseas Filipinos.
Bunga nito, umaabot na ang total cases sa 12,350 kung saan ang aktibong kaso ay 3,457.
Sa kabilang dako, nakapagtala naman ang DFA ng 35 na bagong recoveries kaya ang total recoveries na ay 8,032
Wala namang naitala ang DFA na bagong Pinoy na namatay sa COVID-19 sa abroad kaya ang total deaths ay nananatili sa 861.