BILANG NG REHISTRADONG IKINASAL SA PANGASINAN NOONG 2024, UMABOT SA HIGIT 11,000

Nakapagtala ang Philippine Statistics Authority ng 11,719 na registered marriages sa Pangasinan mula Enero hanggang Disyembre 2024.

Ayon sa tanggapan, nanguna sa listahan ng mga bayan sa Pangasinan ang San Carlos City na umabot sa 949 naitala noong nakaraang taon.

Paglilinaw naman ng tanggapan na provisional as of February 19, 2025 ang naturang datos at maari pang magbago.

Matatandaan na diretsong nagsagawa ng mobile services sa iba’t-ibang opisina at bayan ang PSA noong Pebrero upang hikayatin ang publiko sa pagpaparehistro ng bawat indibidwal kasabay ng pagdiriwang ng Civil Registration Month. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments